|
Post by < Bôgos > on Sept 7, 2006 13:40:56 GMT 1
wow ca fait déjà longtemps, when are we going to play?
|
|
|
Post by Tunnel Rat on Sept 11, 2006 15:40:49 GMT 1
Uy, welcome back, Bogos! Hehehe ;D ;D ;D
Ano, kaya mo na ba?
I just did some reading on the Alliance GE74 website and they mentioned something about "Le Championnat Genevois". I guess airsoft competition ito. Gusto niyong sumali tayo?
Otherwise, kung merong ibang games 'yung ibang teams, especially kung Saturday, I could perhaps pull out my trusty AK (wala nga lang akong BDU, kaya medyo guerrilla look ako muna hehe).
|
|
|
Post by < Bôgos > on Sept 15, 2006 15:52:15 GMT 1
yeap sir I saw that, kung sasali tayo, ready na ba tayo? tagal na natin walang practice mukang papagurin tayo nyan hehehehe, tanongin natin yung ibang members natin ha, tingnan natin kung Black pa rin sila baka kasi medyo Pinkish na kulay nung iba eh heheheh joke lang.
|
|
|
Post by Tunnel Rat on Sept 18, 2006 9:23:43 GMT 1
Wehehe...Pink Tiger? Yikes! O guys, magparamdam naman kayo diyan kung kulay itim o kulay rosas na kayo hehe... Si MC, bagong tatay siya kaya most likely, paternal leave muna siya. Si Jets, tingnan din natin at mukhang madami din siyang inaasikaso. We'll see if his schedules will permit him to join us. Sina Shadow at A47, mukhang ready naman sila anytime...'yun nga lang, maliit na 'yung BDUs nila (bitin na hehe). Same for Blackie, tinatanong na nga ako kung puwede daw ba 'yung isang tigerstripes ko para sa kanya. Sa pag-uusap natin last night, mukhang ok naman kayong tatlo nina Wax saka TnT eh. Kulang ba sa practice? Madali lang 'yan. Kayang-kaya natin silang habulin. Na-check ko ang weather forecast sa meteosuisse. Mukhang hindi naman maulan from Friday kaya baka ok pa ang conditions sa CEPTA sa Saturday. Ano, laro ba tayo? Me extra akong AK na stock ('yun nga lang, naka-full auto siya...sabagay, madalang naman tayong gumamit ng semi eh). Wala nga lang battery (large type) kasi dinala ko 'yung batt sa 'Pinas. Mag-produce lang kayo ng battery at ipapahiram ko ito nang libre...with 600-round hi-cap pa.
|
|