|
Post by jetsetter on Mar 31, 2005 13:31:35 GMT 1
I called the military shop sa Morges at ang sabi nila, meron pa sila ng filet camouflage na 6m x 6m (15 kgs) and it costs only CHF 20.- Eto po ay yung walang leaves, filet po siya na green Sino po sa inyo pwede pumunta ng Morges ksai iilan na lang daw na nasa stock nila, they are open from Mon-Fri
|
|
|
Post by Tunnel Rat on Mar 31, 2005 16:02:52 GMT 1
'Yun naman pala eh. At least alam natin kung saan tayo makakabili ng camo netting. Makakapaghintay naman siguro 'yan. June is still several months away.
MC, alam ko na 'yung sinasabi mo. 'Di pa ako nakakatikim niyan, pero sarap na sarap ako habang minamasdan 'yung mga kumakain niyan. Siguro naman, sa pagkakataong ito, makakakain na rin ako at last ng tokneneng na 'yan.
I just sent an e-mail to the contact person for the Independence Day event. Tinanong ko sa kanya kung gaano kalaki 'yung booth atsaka kung ok na 'yung palabok saka tokneneng. I'll keep you posted.
|
|
|
Post by ---M A D C O W--- on Mar 31, 2005 18:45:59 GMT 1
Sir TR magugustuhan mo yun for sure sayang di mo natikman sa PINAS bale pag nag kasabay tayo umuwi (PINAS) dadalhin kta kung saan meron super quek quek at tukneneng na ubod ng sarap dont worry walang hepa yun hehehe.BTW sir TR ano na balita don sa hiking ng group san ba yun sinabing mong lugar excited nako, sana mag pagusapan natin ng group ang hiking.
|
|
|
Post by Tunnel Rat on Apr 1, 2005 9:00:04 GMT 1
Mukhang masarap nga 'yun MC. Parang nagutom tuloy ako hehe...
Sige, pag-usapan natin bukas 'yung hiking natin. Siguro gawin natin 'yun sa summer, kapag kumpleto 'yung grupo. Alam ko kasi uuwi sa Pinas si Jedi saka si Jets kaya itapat siguro natin 'yung date kapag nandito sila (that is, kung interesado din silang umakyat sa bundok). And besides, kailangan pa rin nating magpa-condition bago tayo umakyat para hindi tayo himatayin sa kalagitnaan ng akyatan.
|
|
|
Post by ---M A D C O W--- on Apr 1, 2005 14:20:58 GMT 1
ok ako dyan sir basta mahalaga matuloy!
|
|